STARBOOKS NEWS
๐๐ข๐ฆ๐ง-๐๐๐๐ข๐ ๐๐ก ๐๐๐ง๐๐ข๐ก | ๐ญ๐ญ ๐ ๐๐ฅ๐๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ ๐ฃ๐ฎ๐ด๐น๐ฎ๐น๐ฎ๐ฝ๐ถ๐ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐๐ฒ๐ป๐๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ง๐ฒ๐ธ๐ป๐ผ๐น๐ผ๐ต๐ถ๐๐ฎ: ๐ฆ๐ง๐๐ฅ๐๐ข๐ข๐๐ฆ ๐ข๐ฟ๐ถ๐ฒ๐ป๐๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐บ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ฒ๐ ๐ฆ๐๐ฟ ๐๐ป๐๐ฒ๐ฟ๐ป๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฆ๐ฐ๐ต๐ผ๐ผ๐น, ๐๐ป๐ฐ., - ๐ฆ๐ถ๐ฝ๐ผ๐ฐ๐ผ๐
March 11, 2026
by DOST-Camarines Sur
Mas pinalawak ang akses ng mga mag-aaral sa kaalaman sa agham at teknolohiya sa Camarines Sur International School, Inc. โ Sipocot sa pamamagitan ng pagdadala ng Science and Technology Academic Research-Based Openly Operated Kiosks (STARBOOKS) ng DOST-Bicol, sa pamamagitan ng DOST Camarines Sur. Sa tulong ng offline digital library na ito, nagkakaroon ng mas madaling access ang mga guro at mag-aaral sa malawak na koleksiyon ng mga resources sa Science, Technology, and Innovation (STI) na makikita sa anyong teksto, audio, at video.
Nagbigay si Engr. Licelle M. Evangelista, SRS I, ng pangkalahatang pagpapakilala tungkol sa STARBOOKS, habang pinangunahan naman ni Mr. John Nebrej N. Rempis, PTAide III, ang isang interaktibong hands-on na sesyon upang aktuwal na maipakita sa mga guro at mag-aaral kung paano gamitin at tuklasin ang sistema.
Samantala, ang computer unit na ginamit para sa STARBOOKS ay donasyon ng Quipper Philippines Inc., na nagbigay ng mahalagang suporta upang higit pang mapalawak ang akses ng mga mag-aaral sa mga digital na sanggunian sa agham at teknolohiyaโisang hakbang tungo sa patuloy na pagsusulong ng #ScienceForThePeople para sa bawat mag-aaral na Bikolano.
#SiyensyangMaaasahanSaKabikolan
#ProvidingSolutionsOpeningOpportunities
Source: https://www.facebook.com/dostcamsur/posts/pfbid0cJ...