STARBOOKS NEWS
.jpg)
AES,Tumanggap ng DOST STARBOOKS App: Bagong Yugto sa Pagkatuto
August 21, 2025
by Ambitacay Elementary School Agoo La Union Page
Napakapalad ang AES dahil isa sa mahigit 200 na paaralan sa probinsya ng La Union ang tumanggap ng libreng STARBOOKS App mula sa DOST noong ika-20 ng Agosto,2025 sa Division Conference Center sa San Fernando La Union.
Hatid ng STARBOOKS App ang kauna-unahang digital library na naglalaman ng mga leksyon lalo na ang Science,Technology & Innovations o ST&I at iba pa na magagamit ng mga mag-aaral at mga guro na maaring iaccess offline kaya't napaka ganda ito sa mga malalayong lugar na lalo sa mga mahihina ang access sa internet katulad ng ating paaralan.
Ito'y napakalaking hakbang patungo sa mas makabagong edukasyon kaya't nagpapasalamat ang AES sa pangunguna ng Ulong Guro na si Dr. Nelrisa B. Fortea.
Salamat DOST STARBOOKS sa pagsuporta sa aming misyon para sa kalidad na edukasyon!
Source: https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=...








