STARBOOKS NEWS

MOA SIGNING AT DOST STARBOOKS LAUNCH, ISINAGAWA KASABAY NG YOUTH FORUM SA LEGAZPI
August 14, 2025
by Bell Jasareno
Isinagawa sa Lungsod ng Legazpi ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing sa pagitan ng mga katuwang na ahensya, na sinundan ng pormal na paglulunsad ng DOST Starbooks at ng “Red Flag and Safe Paths: A Youth Forum on Health, Gender, and Rights” kasama ang Bicol Regional Hospital and Medical Center (BRHMC) nitong Lunes, Agosto 11 2025.
Nagsimula ang programa sa paglagda ng MOA bilang simbolo ng pagtutulungan para sa pagpapalawak ng kaalaman at pagbibigay ng access sa mahahalagang impormasyon para sa kabataan. Kasunod nito, inilunsad ang DOST Starbooks na nag-aalok ng offline access sa libu-libong educational resources para sa mga mag-aaral, partikular sa mga lugar na limitado ang internet connection.
Matapos ang opisyal na paglulunsad, isinagawa ang Youth Forum kung saan tinalakay ang mga paksang may kaugnayan sa responsableng pagpapasya, kalusugan, at kahalagahan ng pagkilala sa sariling karapatan. Sa forum na ito, binigyang-diin ng BRHMC at ng Pamahalaang Lungsod ng Legazpi, sa pamumuno ni Mayor Hisham Ismail, ang layunin ng lungsod na magsulong ng pagkakapantay-pantay, inklusibidad, at kaligtasan ng kabataan.
Karugtong nito, ang nasabing kolaborasyon ay naglalayong magbigay sa susunod na henerasyon ng mga kasanayan, kaalaman, at oportunidad upang maging handa at ligtas sa komunidad.
Photos: Mayor Hisham Ismail
08.14.25 | via Bell Jasareno
Source: https://www.facebook.com/Radyo.Siram/posts/1221820...









