STARBOOKS NEW

Starbooks Orientation sa Muntinlupa City Public Library

August 27, 2024

by Muntinlupa City Public Library Official Mcpl

Ang Muntinlupa City Public Library ay nagsagawa ng isang makabuluhang Starbooks Orientation upang bigyang-diin ang kahalagahan ng makabagong teknolohiya sa edukasyon. Ang Starbooks ay isang digital library na naglalaman ng iba't ibang mga learning materials na magagamit ng mga estudyante sa kanilang pananaliksik. Layunin ng ating City Library na mas mapalaganap ang kaalaman tungkol sa mga benepisyo at gamit ng Starbooks at kung paano ito makakatulong sa pag-enhance ng learning experience sa mga paaralan at komunidad.

Ito ay ginanap noong August 22, 2024 sa Muntinlupa City Public Library 2nd Floor Plaza Central Building Poblacion, Muntinlupa City. Kasama sa pakikinig ang mga Batang Muntinlupeño na mag-aaral mula sa Putatan Elementary School.

#MuntinlupaNakakaproud

#7kagendaeducation

Source: https://www.facebook.com/OfficialMCPL/posts/pfbid0Yhe8iXKcfmnBcB9GhVQqr2C5BYiMDbdopKNXkuz11SFbtVAcsSbNywWAqiF2aJgGl